Is an art of pen for anyone to appreciate.It is not an erudite tome. This is passion. This is an art. Surely it is, a blossom of the heart.
Saturday, December 24
Muli Nawang Masdan
Ibinuhos Niyang habag
Tayo ay tumanggap
Di Niya malilimot
Marami nating hirap.
Tungkulin nating sinumpaan
Alagaan ang kawan
Araw gabing binabantayan
Kamtin nati'y kaligtasan.
Gampaning ating tinanggap
Pagsasakit ang kaakibat
Suson ng pagtitiis
Balong-luha ang kaparis.
Sambitin ang katotohanan
Tiyak may masusumpungan
Kaaway at kaibigan
Umayon o nasaktan.
Sa dami'ng kaukulan
Minsan may nakakaligtaan
Sumusugat sa kalooban
Iniyuyuko na lamang.
Hinding hindi pagigimbal
Naghihintay ang kawan!
Marami nating hirap
Di Niya malilimot
Tayo ay tumanggap
Ibinuhos Niyang habag.
#noel12/02/11 17:06
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment