Sunday, May 29

All We Need Is A Little Sunshine




Like daffodils in daylight,to bloom
Fleecy clouds in the sky,be bright
The glistening dew drops, to spectrum
Is how we need little sunshine, to live.

See the gossamer wings of butterfly
Rainbow colors reflect by the rippling streams
The healing fragrance of the field
Beauty that the sunshine yields.

The secret of the oak tree, sturdiness
Flowers abloom in the garden, beauty
Seas of foam-flecked gray, tranquility
The gleam of little sunshine, it's life.

Tis' the exquisite sunshine..
That creates beauty for everything
Busy pal, stop a while to glance
For all we need is a little sunshine.



Ndm 4-20-11 13:48(see the sunshine..today!)

My Summertime


You’re My Summertime


Je t'aime!  je t'adore!
You’re so dear to me.
My love, my all
Most wonderful in summer time.



Like butterflies of different colors
Lovely as the skies w/ its clear hue
When the wind blows, you dances w/ me
We chase each other and feel free.



I feel your warmth like sunshine
Your smell so ordinary,I’m mesmerized
Lips hued like petals
A wrought of His great majesty.



You are my love in summertime
The music of bird’s song
A voice soft as the wind’s murmur
Whispers thru the smile of your eyes.



Silence of the forest is your countenance
Your love lulled me to sleep in a nipa hut
You're beauty liken to crocus and hyacinths
Sprang from springtime to summer for us.



I dreamt a garden of daffodils
We ran toward them and I picked one.
I gazed up and offered it to you, my love.
In your simple ways so beautiful you are.

-Noel  03-27-12 12:30
(On this day, my summer time began, and i find this summer time so different and unique. )

PANALANGIN AT TUNGKULIN

Sa aba pong kalagayan

 
Masdan Mo..Iyong abang lingkod
Sa kababaan ng puso, dinggin Mo.
Hawakan Mo..luhaan Mong aba
Sa kanyang pagyuko, itindig Mo.


Doon..doon.. sa malayong dako
Dinadamang lungkot,punasin.
Ikaw..Ikaw..ang pinananaligan
Sa pag-iisa, siya'y sasamahan.


Tapat,sa tungkulin, tapat!
Puhunan ay di birong pagsasakit.
Noon, sa murang isipan, at ngayon
Tanda ng katapatan ay nalalarawan.


Napadpad sa malayo
Iniwan ang lahat
Sa pag-aakalang 
Ito ang nararapat.


Ngunit dahil sa damdaming
Ikaw ang humubog. 
Pangungulila sa tungkulin
ay pumapaimbulog.


Sa ganitong kalagayan
Di Ka nagpabaya...
Sa Kanyang pagsamo
Agad siyang kinalong.


Tunay..tunay..
Ikaw ang nagbigay anyo
Ikaw ang nagpalaki
Ikaw din ang kakandili.


©Noel  04-23-11 11:08

ANG PAHAYAG NG PAHAM

ANG PAHAYAG NG PAHAM


PASIMULA:
 Pakinggan:Isang mensahe
 Sa isang matandang paham.
 Kung tunay o panaginip
 Wala ring nakakaalam.



                I.
Ako’y tulog at naglakbay!

               II.
Nawala sa pagkahimbing
Umupo!Isip ay naglayag

              III.
Tala’y nakita.Sumilay!
Iniabot ang mensahe
Ganito ang nilalaman:

               IV.
Tao ng sandaigdigan
Ako sayo’y nagmamasid
Gawa’y di maililingid
Bawat saglit nababatid

               V.
Sa pahayag na narinig
 Buong katawa’y nanginig
Ang paghinga ay nagsikip
Sinakal ng kadiliman
Napaupo’t humagulgol

               VI.
Mula doo’y may natanaw
Sindak ng ‘sang pangitain
Bayan at isa pang bayan
Sigawan..Nagpapatayan!
Nagtatakbuha’t iyakan!
Bugsong pumatay sa laksa!

               VII.
Hindi pa diyan natatapos
Hukbo ay nagsibabaan
Nilalang na may mga pakpak
Nilamon ang karamihan
Bumaba’y init at apoy
Mga kaluluwa’y tumaghoy
Ngayon na ang kapootan.




PANGHULI:
Muling kumislap ang tala
Nagbalik-diwa ang paham
Ito’y ika-pitong araw.
Nagpasalamat siyang lubha
Di pa pala katapusan.
Ang PASIMULA at PANGHULI
Produkto’y –“MGA BABALA!”









 creativity / could'nt be use as basis for anything.
 Noel "seal " Manzano 03-28-11 5:08

SONATA











SONATA


Intro:

Sa kung saan ng balantok
May kaulayaw ang awiting ito
Sa 'sang bahagi ng kabilugan
Nanangis ang sonata.
...............................................

I.
Yapusin ako ng Iyong pag-irog
Buong pag-ibig ay iluhog
Bayaang lumaya ang damdamin.
Maipahayag ang saloobin.

II.
Hibang na di kawasa
Liyab ng kaluluwa'y mabatid
Uhaw na nasa
Iahon mula sa'king diwa.

Chorus:
Magpupunyagi..
Oo! Pagpupunyagian..
na madulutan Kang ligaya..


Di magsasawa
hanggang sa'king kamatayan.
...............................................

III.
Dahil Ikaw ang pangunahin
Ako ang Iyong kawangki.
Hindi sa kapangyarihan 
Kundi sa pag-ibig at kabanalan.

Sapagka't kami'y itinalaga
na maging Iyong kalarawan.
...............................................

Refrain:
Kung ang bawat daliri'y nakatadhana
Sa tiklado ay umuugma
Gayon ang buhay kong ito
Mapupugto sa kandungan Mo.






Noel "seal " Manzano 04-2-11  23:25
"Isang Ligaw Na Sonata" - awit sa Makapangyarihan. (Sonatang nakatago ang himig) 

ANG DALAWANG LANDAS

Daang makipot kaunti lang ang nakasumpong
Pinili ang isa na tila mas mainam.
Daang maluwang pinili ng karamihan
Ayaw sa mabato, ayaw maputikan.


Mahirap ang paglalakbay sa makipot na landas
Maingat ang paghakbang nang hindi madupilas
Sa maluwag na landas magaan ang pagtahak
Walang unos, walang hirap, patag at maaliwalas.


Sa dalawang landas na ito sa sarili ko'y nagmuni
Inisip na mabuti ang nasaksihang pagpili
Daang makipot kaakibat ang pasakit 
Daang maluwang ay karimlang pusikit.


Sa mapusok na pagpili alam na ang kasagutan.
Sa pasiyang pinag-aralan, pagbusisi ang kailangan.
Sa dalawang daan na ito, saan ang hantungan?
Pagpili ko ba'y tiyak na di ko pagsisisihan?


Bakit pipiliin ang makipot at batuhan
kung may daang maluwang at purong kapatagan?
Bakit pipiliin ang mahirap kung may
mas madaling kaparaanan?


Bakit napakadali ng pagpili ng karamihan?
Ang laging batayan ay panlabas na kaanyuan.
Sa daang maluwang mga pumasok ay karaniwan
Subalit sa makipot ay ilang may dunong lamang.


Mga pumasok sa makipot ay tila handa sa labanan
Mga pumasok sa maluwang ay walang kahandaan.
Anong aking pipiliin, saan ako hahakbang?
Sa mundo'y dapat tiyak pagka't buhay ay isa lamang.


Batas ng umiiral simula nang itatag ang sanlibutan
Ang mabuti at balintuna ay siyang pagpipilian.
Kaya sa dalawang daang ito ay may tiyak na hantungan;
Kaligtasan kaya?,  O pihong kapahamakan?


Sa aking pagpili, takot ang naramdaman.
Subalit may mga bagay na dapat maunawaan
Sa unang daan,pamaram sa takot ay kahandaan
Subalit sa huli,panlaban sa walang takot ay di ko alam.


Sa daang makipot inaasahan ay unos
Sa daang maluwang balat-kayo ay lipos.
Unti-unti ay aking naunawaan.
Ah! Alam ko na ang kasagutan!


Ang mundo'y di nananatili sa iisang kalagayan...
Kaya naman tiyak na ako sa aking paghakbang!
Tiyak na ako ngayon sa pipiliin kong daan.









-Noel "seal " Manzano 02-19-11

Thursday, May 26

FAITH

Yes I believe.I know
It will certainly come.


Counting hundred more years
I will wait.


Affection warms from within
Trust,fidelity,will sprout


Holding on though said once
Hasn't seen yet waiting


Faith is trusting
Firm on things bare or not


Hope rest assuredly
Unmovable,invulnerable.


It is not blind
In truth solely rely.


Sufferings-Sacrifices
Because of faith these'll be demised


Endure willingly no surrender
Fight fairly,love unceasingly.


Promise of a holy bliss
In silence I will wait



In the end, I know
I WILL WIN.




(unceasing belief)
-seal *some time last january

Wednesday, May 25

SA PAGLIBOT SA NAYON

Kanugnog ng mahahaba at kongkretong daan,
sa maiingay na sasakyan pati gusaling nagtataasan,
mga pamilihang abala sa pakikipagkalakalan,
sari-saring balita at usapang tila makabuluhan,
ay naroon ang Nayon.

Ilang oras na biyahe lamang ramdam mo na,
na ikaw ay nasa Nayong tunay na pinagmulan.
Sa alikabok at makipot na daang tiyak ang hantungan.
Sa kaway ng mga magsasaka, mga palay ay nagsasaya.
Sa Nayon, ang pamamasyal anong ganda.

Bawat araw doon ay maaga ang pagsisimula
Di mawaring ligaya ay hatid sa bawat higop
ng kapeng dinikdik sa gilingang bato ni lola.
Ang samyo ng aroma nito'y nagpapainit sa paligid
At sa usok ng isdang daing sa amoy palang
ikaw'y tinatakam na.Sabayan pa ng lamig
ng madaling araw at inuming tubig sa balon nagmula.

Bago pa magtanghaling tapat, sa lilim ng punong bayabas
Sa malamuyot na hanging amihan,si pipit
sa sanga ay umaawit, paroo't-parito sa pagkandirit.
Maya-maya lang, handa na ang tinola, malinamnam
ang sabaw nitong sinangkapan ng manamis-namis na papaya.
Kagaya'y bubuyog na nakatagpo ng sunflower na hangad
Di titigil sa paglibot hanggang sa siya ay mabusog.

Sa paglibot sa nayon sumasariwa ang lahat.
Sa lagaslas ng batisan, musika ng katahimikan.
Mga tutubi sa waterlily, hatid ay kalayaan.
Gayundin ang malawak na kabukiran,simple lang
ngunit sa kanya nagmumula halos lahat ng yaman.
Kay inam simsimin ang halimuyak ng parang,pansamantala
pinatitigil tayo, para halimuyak niya'y maipagyabang.

Di malilimutan ang gabi sa nayon, nakakakilabot
ang dami ng mga bituing di mabilang,sa tanglaw
ng maliwanag na buwan at huni ng mga ibong
kung saan nagmula ay hindi alam. Sa kokak
ng mga palaka at paghehele ng mga kuliglig,
ay mahimbing ang tulog sa Nayon.
Masarap mamasyal sa Nayon.

-Noel Manzano 01-20-11 15:10