Friday, June 24

JUVENTUD














Isa kang sinag
Umaalpas sa siwang ng kamalayan
Andap ng lampara na sa isang iglap
Lalamon sa naghaharing karimlan.


Ikaw ang pag-asa

Kaya lilukin mo ng buong husay ang iyong buhay
Mamangha ka sa gamu-gamo sa lampara
Hulmahin mo ng tama ang iyong diwa.


Isa kang malaya at manlalakbay

Eskultor ng mga pandaigdigang anyo
Pintor ng dibuhong sining
Manlililok ng sariling kapalaran.


Maglayag ka, Juventud!

Makinig kang mabuti sa matatanda

Mag-aral sa mga karanasan ng iba
Manahimik ka at magtiyaga.


"Pag-asa ka ng bayan"

Anong buti ng pagkapahayag
'Wag lang pabansot sa mga maling haka
Lumaki ka't maging matayog na kawayan.


Sa lalim ng iniwan niyang halimbawa

Di limitado ang kasanayan ng bawat bata
Sa patuloy na paghubog sa kanila 
Higit pa sa sinag ang iyong nililikha.


(pagbabalik gunita sa kabayanihan alay sa mga kabataan)
-seal 06-23-11 18:28











No comments: