Siyang kaukulan sa nagmamay-ari
Upang gamitin sa tamang silbi
Di Niya pinili ang sisidlang marumi
Upang mapakain ang banal na lipi.
Kasangkapang malinis at totoong maringal
Sa mata ng madla'y di mapipintasan
Mga ibinukod, Kaniyang itinatangi
Sa ikaluluwalhati ng nagmamay-ari.
Naliglig sa kaalaman
Pinatalas sa katotohanan
Upang durugin ang mga hidwang-katha
Gibain ang naglalakihang kuta ng mga bulaan.
Hinalaw sa molave't nilinis na kagyat
Pinino sa katam na salitang anong talas
Nang ganap na mahulma,nayaring isang wagas
Mabuting kagamitan sa pagbibigay kaluwalhatian.
"Sisidlang ikapupuri...
Handang gamitin ng nagmamay-ari"
07-01-11 18:30
-seal
No comments:
Post a Comment