Friday, September 23

SA PAGBUHOS NG HABAG


Kasama akong natatakan
Ng pusong nananawagan
At ng dalisay na aral
Tanda ng awa at pagkahabag.


Sa pagbuhos ng habag
Muli akong nakinabang
Sa salita ng pagmamahal
Nag-ibayo ang paninindigan.


Silang uhaw sa paglingap
At labis ng nabibigatan
Silang nadapa at humandusay
Tumayong buong kagalakan.


Nang marinig ang Kanyang habag
Pagyuko'y di na napigilan
Magagawa pa bang magmatigas
Kung ang Salita sa puso'y nanahan?


......................................


Sinong nagnanasa ng mabuti 
sa lahat panahon ang di nahulog 
sa pagkakamali't pagkukulang?
Kaya't ang palo ay Kaniyang ipinararanas.



At tulad ng magulang na nagmamahal sa anak
Nagpaparusa't nahahapis at ito'y di lang minsan.
Subali't katulad ng pahayag Niyang wagas. . .
"Siya ay anak ko paring minamahal".


........................................


Sa pagbuhos ng habag kami'y natatakan
Mula sa pusong nananawagan ng nagtuturong
kinasangkapan.At ang dalisay na aral 
ay nanuot sa puso't isipan.


(Ngayo'y mamumuhay ng may kapanatagan)

(Inspired from the lesson 9-21/22 2011 thru our mentor)
9-22-11

No comments: