At kanila nang maisusuot
Ang kumpol-kumpol na putong
Doon sa Ginintuang Lunsod.
Di nasayang ang pagod
At pagpapagal sa paglilingkod
Ang nagkubli nang luha'y
Doon mapapatid ang pagbalong.
Silang sumagupa ng pagsubok
At tumayong walang pagod
Tumanda ma't uugod-ugod
Naghihintay ng buong lugod.
Bumukas man ang lahat ng bukal
Umapaw man ang karagatan
Dumating man ang daluyong
Magtitiwala parin at susunod.
Di na magtatagal ang pagluwat
At magiging ganap na ang lahat
Ang nagtiis at nagtapat
Yaring magagalak nang mulat.
Di yata't barkong hinusay
At nakikiamok sa mga sigwa
Ang Kapitan ang tiwala
Yaring Layag ang bahala.
Silang matahimik na naghihintay
At sumampalatayang may pagtatapat
Ang layag ay unti-unting ibababa
Magpapahinga na silang may tuwa.

#noel 2/8/12
No comments:
Post a Comment