Saturday, March 23

NARITO ANG AMING KALIGAYAHAN


Lunggati ng mga hinirang 
Itong pananagutang sinumpaan
Gabay Mong ipinangako
Ang dito'y nararanasan
Yaman kung maituturing 
At ito na ang kaaliwan.

Ang mga pagpupuri
Na lubhang kagila-gilalas
Ginaganap dito ng buong kataimtiman.

Pag-ibig Mong ibinubuhos
Ang siyang inihahaplos
Gumagaling ang sugat
Sa damdaming nahirapan.
At dahil sa mga salita Mong
Mula doo'y tinatanggap
Binubuhay Mong muli 
Ang pag-asang nalinsad.


032313 23:12
ndm





No comments: