I.
Mayroong isang lalaking mahirap
na ang tanging nalalaman ay ang paglilok ng mga larawan
ng ibat-ibang diyos na sinasamba nilang mga pagano.
Dala ng kasalatan sa buhay ay naisipan ng taong ito na magpanggap na Kristiyano
at lumikha rin ng mga estatwa, at rebulto
ng mga libo-libong kinikilalang santo ng mga nakararaming binyagan
upang maipagbili at magamit nila sa debosyon at pagsamba.
Naging makabuluhan sa mata ng mga deboto ang gawa ng taong ito
na nagbunga ng paglago ng kaniyang kabuhayan.Siya'y totoong naging mayaman.
Isa namang deboto ang nakabalita tungkol sa taong ito
at siya man ay may dakilang layon para sa kakristiyanuhan.
Napagpasiyahan niyang gugulin ang lahat ng kanyang yaman
sa pagbili ng mga rebulto, mga estatwa, crucifijos at mga sakramental
mula sa lalaking pagano at ipinamudmod niya sa mga kapatid niyang mananampalataya,
Upang ito daw ang dasalan at tuloy maipamagitan sa makapangyarihang luklukan.
Sa wakas naubos ang lahat ng kanyang salapi at halos lahat ng kanyang ari-arian.Siya'y totoong naging mahirap.
Sino kaya sa dalawang lalaking ito ang tunay na naging mapalad?
II.
Ang sabi ng deboto: Mapalad ako!
Pagkakristiyano tunay na tinuran ko
Pananampalataya ibinahagi ko
Mga santos at santas inilapit ko sa tao.
Sumagot ang pagano: Mas mapalad ako!
Sa buhay na ito ay yumaman ako.
Sa pagpapamudmod mo ay anong napala mo?
Mga estatwa at rebulto ay gawa ng kamay ko.
"Hindi! mapalad ako, ang layon ko'y higit na dakila
kaysa sa layon mong yumaman mula sa mga banal na likha",
sagot ng debotong tiyak sa kanyang salita.
Sa ganito'y nagalit ang pagano at isang rebulto'y pinugutan ng ulo.
"Banal ang sabi mo?",ani pagano. Ipinaghahambog pati layon mo.
Pagsamba niyo sa larawan, alam mo ba ang tunay na pinagmulan?
"Di kami sumasamba,amin lamang silang iginagalang,
sapagka't sila ay mga banal na tao din naman.
"Paggalang ninyo'y sobra naman ata, sa pagluhod
at pagdasal, sa taos ninyong pagsambitla..SINASAMBA KITA!
Nagitla ang deboto sa pahayag ng pagano..
At ang tusong pagano'y di na mabusalan,dila'y nangati di na mapigilan.
"Kahoy na ginamit ko'y di naman banal,
kaputol niya'y iginatong sa kalan.
kaputol niya'y iginatong sa kalan.
Ang mga diyos ko'y ginintuan subali't ang sa inyo'y burak lang.
"Masdan mo ang kadakilaan ni Mabon,walang kupas ang karilagan
at kapangyarihan ni Osiris,ang nangangalit na Poseidon,
pati ang rebulto ng makisig na si Eros...."
Sa mga nililok na pinipitagan, yan ang ating kaibahan.
Ano kaya ang kanilang kaibahan?
Sa mga nililok na pinipitagan, yan ang ating kaibahan.
III.
Nang biglang matigil ang madaldal na pagano
Isang retaso ang sa kaniya'y ibinato
Ng isang binatilyong sa kanila'y napadaan
At sa sumandali'y naglaho din naman.
Iniladlad ang retaso. Sa burda ay may mensaheng nakatago.
Ang deboto ay umusyoso. At ang nakahulma:
"EXODO 20:4-5"
Ang dalawa'y nagitla. Ang una'y ayaw maniwala. Ang huli naman ay naguluhan.
Ano kaya ang kanilang kaibahan?

No comments:
Post a Comment