ISTRAK DEAD SI SUGAR
Entrada:
Bongga sa entrada
Beg taym mga kasama
Gwapong sukang puti
Mister donut ang ngiti
Nasyonal Antem:
Umentrance naman si Charice
Nyak! nasobrahan sa bilis
May konsiyerto ata sa Paris
Atlis walang mintis.
Round 1:
Si Sugar Shane ginanahan
Nagpakawala ng kanan
Kitang-kita daw naman
Power-punch ang kinalabasan
Round 2:
Sumusobra ang kalaban
Kinakawayan si pacman
Umagresibo tuloy ang tarikan
Sigawan ang Brgy. Pacman
Round 3:
Omg..enu be yan??
Hingal agad ang kalaban
Pag-upo'y sobrang aga naman
Point, sa unang nak dawn.
Round 4:
Si sugar,kalahi ata ni Esteban
Ala eh, gusto'y makipagyakapan
Nagmintis tuloy sa kinapitan
Ay! ay! sumalampak na naman.
Round 5:
Walang latoy na laban
Mga buenas na magkalaban
Pagkatapos magyakapan
Nagawa pang mag-apiran.
Round 6:
Walang bago sa labanan
Sa bilis at kagwapuhan
Umaayon parin kay pacman
Salag-atras ang kalaban
Round 7:
Patay! ang bida'y pinaliguan
Namumula na ang mukha ni Esteban
Sa gilas at salpukan
Angat parin ang dakilang pacman.
Round 8:
LOL..round ito mga igan
Nanghihina na si Esteban
Sweet hug na raw ang labanan
Nais pa ay pahigpitan.
Round 9:
Ops..stop muna ang laban
Silip kung kalaba'y sugatan
Ay grabeh ang pacman na tarikan
Left and right ay talaga naman.
Round 10:
Ay giatay! Napaupo si pacman
Pinahiya ang tarikan
Bigla ba namang bilangan
Uminit tuloy ang tandang.
Round 11:
Gumire ang napahiyang tandang
Killer instinct ngayon ang tangan
Tandang na makikipagpatayan
Uutasin ang pesteng kalaban.
Round 12:
Nagwala ang tandang
Puros depensa si Esteban
Kumakapit pag nasasaktan
Kahit pano,nakasimple sa yakapan.
Magbunyi mga kabayan
Wagi na naman si Pacman
Klap! klap! sa dalawang tarikan
Na nagpakita ng kahusayan.
MULI MALAKING KARANGALAN SA ATING BAYAN
(Mabuhay si PACMAN =D)
(patalastas bago umakyat sa entabladong magilas)
-Noel "seal " Manzano 5-8-11


No comments:
Post a Comment