TIGIL MUNA PANSAMANTALA
Anong liksi ng iyong kamay, anong bilis
ng iyong paggalaw, isipan mo'y kahanga-hanga
tunay ngang ikaw ay dalubhasa ngunit...
sa sumandali'y..tigil! kaibigan baka masanay ka't
tumakbo ng paroo't parito...napapagal din ang katawan.
Pansamantala'y masdan ang paligid mo at nawa'y
makita mo ang mga bagay na nalimot mo, dahan-dahan,
kaibigan, si lola ay mahihintay ka sa pagdalaw.
Sa puto't bibingka na 'yong dala at kay
lolo sa payak na ngiti kapag nakita ka.
"Ginto ang oras" sabi mo, higit naman
sa diyamante ang nawala sa paglimot mo.
Iyo na ang lahat ng kayamanan sa mundo
Gastahin kasama ng mga kaibigan kuno,pero,
bakit di ka parin makuntento?
Nakakatuwa kaibigan at marami kang gawain
Lalo na't pawang makabuluhan,subalit sa sumandali'y..
Tigil! Sapagkat hindi lahat ay mauunawaan ka.
Mabuting sabihing naririyan ka pa at
kaibigang hindi iba sa kanila.
Kakwentuhan mo sa araw-araw ay iba-iba
Si bunso man nais makausap ka
May kwentong inihanda,bat di subukang tanungin siya?
Huwag kang magmadali kaibigan, lahat..
ay magagawa sa tamang panahon at paraan.
Sa pagpili kung ano ang tama, isipin muna..
Ng makapito ang bunga, sapagkat ang pagsisisi
ay hindi magagawa sa una... sa sumandali'y
Tigil Kaibigan! bawat oras ay paglimiin.
Ang lahat ay hindi magagawa sa isang araw lamang.
-Noel "seal " Manzano 12-18-10 13:22

1 comment:
nakakaaliw po basahin lahat ng tula nio..inspiring and nakakarelate..lahat ng pangyayari sa buhay ng isang tao ay nagaganap sa takdang panahon..(",)...tlgang napapanahon..
Post a Comment