Sa aba pong kalagayan
Masdan Mo..Iyong abang lingkod
Sa kababaan ng puso, dinggin Mo.
Hawakan Mo..luhaan Mong aba
Sa kanyang pagyuko, itindig Mo.
Doon..doon.. sa malayong dako
Dinadamang lungkot,punasin.
Ikaw..Ikaw..ang pinananaligan
Sa pag-iisa, siya'y sasamahan.
Tapat,sa tungkulin, tapat!
Puhunan ay di birong pagsasakit.
Noon, sa murang isipan, at ngayon
Tanda ng katapatan ay nalalarawan.
Napadpad sa malayo
Iniwan ang lahat
Sa pag-aakalang
Ito ang nararapat.
Ngunit dahil sa damdaming
Ikaw ang humubog.
Pangungulila sa tungkulin
ay pumapaimbulog.
Sa ganitong kalagayan
Di Ka nagpabaya...
Sa Kanyang pagsamo
Agad siyang kinalong.
Tunay..tunay..
Ikaw ang nagbigay anyo
Ikaw ang nagpalaki
Ikaw din ang kakandili.
©Noel 04-23-11 11:08

No comments:
Post a Comment