SONATA
Intro:
Sa kung saan ng balantok
May kaulayaw ang awiting ito
Sa 'sang bahagi ng kabilugan
Nanangis ang sonata.
...............................................
I.
Yapusin ako ng Iyong pag-irog
Buong pag-ibig ay iluhog
Bayaang lumaya ang damdamin.
Maipahayag ang saloobin.
II.
Hibang na di kawasa
Liyab ng kaluluwa'y mabatid
Uhaw na nasa
Iahon mula sa'king diwa.
Chorus:
Magpupunyagi..
Oo! Pagpupunyagian..
na madulutan Kang ligaya..
Di magsasawa
hanggang sa'king kamatayan.
...............................................
III.
Dahil Ikaw ang pangunahin
Ako ang Iyong kawangki.
Hindi sa kapangyarihan
Kundi sa pag-ibig at kabanalan.
Sapagka't kami'y itinalaga
na maging Iyong kalarawan.
...............................................
Refrain:
Kung ang bawat daliri'y nakatadhana
Sa tiklado ay umuugma
Gayon ang buhay kong ito
Mapupugto sa kandungan Mo.
Noel "seal " Manzano 04-2-11 23:25
"Isang Ligaw Na Sonata" - awit sa Makapangyarihan. (Sonatang nakatago ang himig)

No comments:
Post a Comment