ANG PAHAYAG NG PAHAM
PASIMULA:
Pakinggan:Isang mensahe
Sa isang matandang paham.
Kung tunay o panaginip
Wala ring nakakaalam.
I.
Ako’y tulog at naglakbay!
Nawala sa pagkahimbing
Umupo!Isip ay naglayag
III.
Tala’y nakita.Sumilay!
Iniabot ang mensahe
Ganito ang nilalaman:
IV.
Tao ng sandaigdigan
Ako sayo’y nagmamasid
Gawa’y di maililingid
Bawat saglit nababatid
V.
Sa pahayag na narinig
Buong katawa’y nanginig
Ang paghinga ay nagsikip
Sinakal ng kadiliman
Napaupo’t humagulgol
VI.
Mula doo’y may natanaw
Sindak ng ‘sang pangitain
Bayan at isa pang bayan
Sigawan..Nagpapatayan!
Nagtatakbuha’t iyakan!
Bugsong pumatay sa laksa!
VII.
Hindi pa diyan natatapos
Hukbo ay nagsibabaan
Nilalang na may mga pakpak
Nilamon ang karamihan
Bumaba’y init at apoy
Mga kaluluwa’y tumaghoy
Ngayon na ang kapootan.
PANGHULI:
Muling kumislap ang tala
Nagbalik-diwa ang paham
Ito’y ika-pitong araw.
Nagpasalamat siyang lubha
Di pa pala katapusan.
Ang PASIMULA at PANGHULI
Produkto’y –“MGA BABALA!”
creativity / could'nt be use as basis for anything.
Noel "seal " Manzano 03-28-11 5:08

No comments:
Post a Comment